Dati, excited ako mag duty sa MNH. Pero iba pala feeling pag nandoon ka na mismo at kaharap mo na ang pasyente. Nakakakaba.
Government hospital ang MNH pero kapag tiningnan yung loob... parang magtataka ka pa kung nasa isang gov't hospital ka ba talaga. Malinis ang buong paligid. May aircon sa bawat kwarto. Malinis ang hangin. PARANG WALA KA TALAGA SA GOV'T HOSP. kabaliktaran lahat ng makikita mo doon.
Nagkita na kami ng CI namin at nasabi na sa amin ang mga kailangan ipasa, gawin, at aralin. ANG DAMIIII... >< ang sarap sumuko. haha
Kinabukasan, nagkita na kami ng mga pasyente namin. wala akong hahawakan na pasyente kasi headnurse ako para sa araw yun. saming 3 na headnurses, ako ang medication nurse.. di naman masyadong toxic.. ^^ konti lang din ang ibibigay na gamot kaya keri lang.. pagkatapos nun UWIAN NA! ahahaha!!
Mabilis lang lumipas ang dalwang linggo.. :) (parang nagduty ba ko doon?... XD) hahaha!! di ko man lang namalayan.. nung nakaduty kami 12 patient.. nung umalis kami 3 nalang.. ano ba yan... :)) sana mag duty ulit kami doon.. ^^
-sa susunod ulit ang kwento.. medyo busy pa eh..-
No comments:
Post a Comment